|
||||||||
|
||
Mga kontrabandong pampaganda, ipinasisiyasat ni Senador Lapid
HINILING ni Senador Lito Lapid na magsiyasat ang Senado sa nabalitang pagkalat ng mga iligal at kontrabandong pampaganda sa Pilipinas.
Sa kanyang Senate Resolution 1384, ipinaliwanag ni Senador Lapid na makapagpanday ng batas na magsisilbing regulasyon kiung 'di ma'y pagbabawal sa pagkalat nito sa mga pamilihan.
Nangangamba ang mambabatas na makasasama sa madla ang pagkalat ng ganitong mga paninda. Hindi kailanman nararapat manganib ang publiko. Kailangan ang pagkakaroon ng malawakang tugon sa kabutihan ng madla.
Napuna ng senador na may ulat ang Food and Drug Administration na mayroong 37 produkto ang ipinagbibili sa mga pamilihan ng walang FDA notification at 28 pa ang nasubukang mayroong mataas na lamang tingga at mercury.
Ginamit din ni Senador Lapid ang ulat ng EcoWaste Coalition na nagsumite ng talaan ng illegal cosmetic products na diumano'y galing sa ilang mga botika, beauty at herbal product retailers at mga tindahan sa may 50 lungsod sa buong bansa.
Kailangang siyasatin ang tunay na kalagayanat pag-balikaralan ang mga batas sa pagbibili ng cosmetic products at makabuo ng alituntunin sa kaligtasan ng madla, dagdag pa ni Senador Lapid.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |