|
||||||||
|
||
Senador Grace Poe, kabilang sa lumagda sa rekomendasyon laban kay VP Binay
LUMAGDA si Senador Grace Poe sa Senate Blue Ribbon subcommittee draft report na nagrerekomendang kasuhan ng pluder sina Vice President Jejomar Binay at ang kanyang anak na si Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay.
Ito ang sinabi ni Senador Aquilino Pimentel III sa isang panayam sa radyo kanina.
Si Senador Pimentel ang chairman ng subcommittee. Una niyang sinabi na apat na senador ang lumagda sa draft report kahapon. Kasama niya sina Senador Antonio Trillanes IV, Alan Peter Cayetano at Grace Poe.
Si Senador Trillanes ang humiling na siyasatin ang sinasabing overpricing ng Makati City Hall 2 parking building. Aktibong lumahok sa pagdinig sina Senador Trillanes at Cayetano samantalang hindi dumalo si Poe sa mga pagdinig.
Lumagda si Senador Poe dalawang araw matapos lagdaan ni Senador Pimentel ang ulat. Nabasa kaagad ni Senador Poe ang report.
Sa panig ni Senador Poe, sinabi niyang nabasa niya ang rekomendasyon ng subcommittee at napatunayan niyang suportado ng documentary evidence at expert at personal testimonies na hindi man lamang sinagot ng sapat na ebidensya.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ni Senador Poe na tulad ng ginawang pagsisiyasat sa PDAF, nakikiisa siya sa kanyang mga kasama ng paghiling ng ibayong imbestigasyon ng Ombudsman sa mga alegasyon at pagpaparating ng reklamong criminal na lumalabas na plunder.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |