|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, inutusan ang mga ahensya ng pamahalaang madaliin ang mahahalagang pagawaing-bayan
KAILANGANG madaliin ang pagpapatupad ng pagpapagawa ng infrastructure projects sa buong bansa aupang sumigla ang ekonomiya sa nalalabing bahagi ng taon.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. inutusan ni Pangulong Aquino ang Department of Public Works and Highways, ang Department of Transportation and Communications, Department of Education at maging ang Department of Agriculture kasama ng iba pang mga kagawaran na pabilisin ang pagpapatupad ng mga proketong nakatakdang gawin ngayong taon.
Sa mga ahensyang ito, ang DPWH ang nanguna sa paggasta ng salapi ng pamahalaan.
Ani Kalihim Coloma, ito ang kautusan ni Pangulong Aquino matapos lumabas ang ulat ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na bumagal ang kaunlaran at natamo lamang ang 5.2% growth sa Gross Domestic Product sa unang tatlong buwan ng 2015.
Bagaman, sinabi rin ni Kalihim Balisacan na umaasa siyang ibayong sisigla ang ekonomiya sa nalalabing tatlong quarter ng taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |