Business Confidence, gumanda
MAGANDA ang pananaw ng kalakal sa ekonomiya ngayong second quarter ng 2015 sapagkat tumaas ito sa 49.2% mula sa 45.2% noong first quarter ng taon. Mas maraming mga mangangalakal ang umaasang magiging maganda ang economic prospects sa ikalawang quarter kung ihahambing sa nauna.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, naniniwala ang mga sumagot at lumahok sa kanilang survey na matatag ang pangangailangan ng mga mamamayan sa ikalawang anihan at panahon ng pangingisda, pagtatapos ng mga mag-aaral at ang palistahang nagaganap at ang pagdagsa ng mga banyaga at mga Filipinong turista. Inaasahan din nilang tataas ang galaw ng construction sector lalo na ang infrastructure-related government projects, pagtaas ng mga order at bagong kontrata na magdudulot ng mas mataas na volume of production.
Maglulunsad din ang mga mangangalakal ng mga bagong produkto kasabay ng patuloy na paniniwala sa administrasyon. Maganda umano ang macroeconomic conditions sa bansa partikular sa matatag na inflation at mababang interest rates at matatag na foreign investment inflows at patuloy na pagpapadala ng salapi ng mga manggagawa mula sa iba't ibang bansa.
Maganda ang pananaw ng mga mangangalakal tulad ng mga nagkakalakal sa America, Germany, Korea at Singapore subalit taliwas sa matamlay na pananaw ng mga mangangalakal sa United Kingdom, Hong Kong at India.
1 2 3 4 5 6