|
||||||||
|
||
什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)开(kāi)学(xué) 一(yī)个(gè)学(xué)期(qī)的(de)学(xué)费(fèi)是(shì)多(duō)少(shǎo)
20150612Aralin57Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Kailan nagsisimula ang semestre?
什(shén)么(me)时(shí)候(hòu)开(kāi)学(xué)?
什(shén)么(me), ano.
时(shí)候(hòu), panahon.
开(kāi)学(xué), magsimula ang semestre.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 什么(shénme)时候(shíhòu)开学(kāixué)?Kelan nagsisimula ang semestre?
B: 9月1(yuè)号(hào)。Dapat magparehistro ang mga mag-aaral sa unang araw ng Setyembre.
Syempre, kapag nag-eenrol, natural lang na tatanungin natin kung magkano ang babayaran natin di ba? Kaya, ang susunod na aralin natin ay "Magkano ang matrikula para sa isang semestre?"
一(yí)个(gè)学(xué)期(qī)的(de)学(xué)费(fèi)是(shì)多(duō)少(shǎo)?
一(yī), isa; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 一(yí)个(gè), isa.
学(xué)期(qī), semestre.
学(xué)费(fèi), matrikula.
是(shì), katagang nagbibigay-diin.
多(duō)少(shǎo), magkano.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 一(yī)个(gè)学期(xuéqī)的(de)学费(xuéfèi)是(shì)多少(duōshǎo)?Magkano ang matrikula para sa isang semestre?
B: 一(yī)个(gè)学期(xuéqī)一万(yīwàn)。Sampung libong yuan bawat semestre.
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Sa Tsina, maraming pamantasan ang may mga school motto na sumasalamin sa kanilang kasaysayan at kultura. Halimbawa, ang school motto na "Pagkamakabayan, Progreso, Demokrasya at Siyensiya" ng Pamantasan ng Peking ay sumasalamin sa kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga mag-aaral nito para sa kalayaan. Ang mga motto para sa karamihan ng mga pamantasang Tsino ay may malalim na kahulugang kultural na hinango sa sinaunang Tsina. Halimbawa, ang school motto na "Pagpapahusay sa Sarili at Mabuting Asal" ng Pamantasan ng Tsinghua ay mula sa klasikang "Mga Aklat ng Pagbabago" ng Dinastiyang Zhou (B.C. 1046-B.C. 249) na naglalaman ng mga esensiya ng pambansang dunong na Tsino. Ang motto naman na "Malawak na Pagkakatuto na May Pokus at Magtanong Habang Isinasa-alang-alang ang mga Praktikal na Bagay" ng Pamantasan ng Fudan ay mula sa "Ang mga Analekta ni Confucius," na isang koleksiyon ng mga pangungusap ni Confucius, ang dakilang paham, estadista at tagapagturo mula sa Panahon ng Tagsibol at Taglagas (mga B.C. 770-B.C. 403) at kanyang mga mag-aaral.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |