Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ituloy ang programang "Daang Matuwid"

(GMT+08:00) 2015-07-10 17:53:39       CRI

Exports ng Pilipinas, bagsak

BUMAGSAK ang merchandise exports ng Pilipinas ng may 17.4%, ang pinakamababa mula noong Disyembre 2011. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.

Sinabi ni NEDA Officer-In-Charge at Deputy Director General Emmanuel F. Esguerra na ang sinapi ng Philippine exports ay siya ring tumama sa mga kalapit bansa sa rehiyon ang nagpapakita ng pagbagal ng pandaigdigang ekonomiya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang kinita ng Pilipinas sa exports ay umabot sa US$4.9 bilyon noong Mayo ng 2015 at malayo sa nakamtang US$5.9 bilyon noong 2014. Ang Pilipinas ang nagtamo ng pinakamalaking pagbaba ng export revenues sa trade-oriented economies ng silangan at timog-silangang Asia.

Ipinaliwanag ni G. Esguerra na ang pagbagal ng pandaigdigang kalakal ay sanhi ng pagbagal ng ekonomiya ng Tsina at financial crisis sa Eurozone at madarama ng buong daigdig. Hindi manababatid kung hanggang saaan ang magiging epekto nito sa kalakal.

Matapos ang dalawang sunod na bahagyang pagtaas, ang overseas sales ng manufactured goods ang nagkaroon ng pinakamalaking buwanang pagbaba (9.5%) para sa buong taon, at umabot sa US$4.3 bilyon noong Mayo 2015 mula sa US$4.7 bilyon noong nakalipas na 2014. Naganap ito sa mas mababang kita mula sa semiconductors, machinery at transport equipment, wood manufactures, electronic data processing at iba pang manufactures.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>