Mga maglalakbay sa Greece, pinaalalahanan
KAILANGANG maging maingat ang mga Filipino na maglalakbay sa Greece. Ito rin ang paala-ala sa mga Filipino na nasa Greece bilang dagdag sa pagbabantay sa pinakahuling balita.
Samantalang ligtas pa rin ang pagdalaw sa Greece, may mga welga at demonsterasyon sa kalagitnaan ng Athens, particular sa Syntagma Square at sa harap ng Parliamento. Pinayuhan ang mga Filipino na huwag munang daraan o dadalaw sa mga pook na ito lalo na't may mga pagkilos ang mga Greek national.
Sa pagsasara ng mga bangko, ang mga maglalakbay ay pinapayuhang magdala ng sapat na salaping gagamitin sa pagdalaw sa Greece at para na rin sa mga emergensia at 'di inaasahang gastos.
Ang mga Filipinong mangangailangan ng tulong matapos ang office hours ay makatatawag sa telephono bilang 0030-697-4319-539.
1 2 3 4 5 6