|
||||||||
|
||
Manny and Jinky Pacquiao, dumalaw kay Mary Jane Veloso
PANALANGIN PARA KAY MARY JANE VELOSO. Taimtim na nananalangin sina Mary Jane Veloso (kaliwa) at Manny Pacquiao (gitna) at ang kanyang maybahay na si Jinky sa piitan ng Yogyakarta, Indonesia kaninang umaga. Dumalaw ang mag-asawa sa Filipina drug mule at nakiisa sa pananalangin. (Instagram photo/Jinky Pacquiao)
DUMALAW na ang mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao sa piitan ni Mary Jane Veloso sa Yogyakarta, Indonesia.
Ayon sa Instagram post ni Gng. Jinky Pacquiao, hindi niya mapigilan ang pagluha samantalang nagdarasal. Tanging Panginoon na lamang ang makagagawa ng lahat para sa drug mule na si Mary Jane Veloso.
Magugunitang nahatulan na ng kamatayan si Mary Jane at muntik ng isinalang sa firing squad subalit ipinagutos ni Indonesian President Widodo na huwag ituloy ang paggagawad ng parusa samantalang sumuko sina Maria Kristine Sergio at ang kinakasama niyang si Julius Lacanilao.
SOUVENIR PHOTO NAMAN. Nagpakuha ng larawan sina Congressman Manny Pacquiao (gitna) at Mary Jane Veloso kasama si Gng. Jinky Pacquiao matapos ang kanilang pagdarasal sa Yogyakarta Prison sa Indonesia. Nakabimbin pa rin ang paggagawad ng parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso hanggang sa mga oras na ito.
Kinasuhan na sa isang hukuman sa Nueva Ecija ang dalawa ayon sa sinumpaang salaysay ni Veloso noong dalawin siya ng mga imbestigador ng PDEA.
Na sa Indonesia si Manny Pacquiao upang magpelikula ng kanyang endorsement sa isang Indonesian traditional medicine.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |