Mga napiit na Filipino, palalayain
LABING-ISANG Filipinong napiit sa Dubai, Untied Arad Emirates ang kabilang sa 734 na mga bilanggo ang palalayain sa kautusan ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, ang pangalawang pangulo at Prime Minister ng UAE at pinuno ng Dubai.
Ang pagpapalaya ay bahagi ng banal na buwan ng Ramadan. Ito ang balitang mula sa Philippine Consulate General sa Dubai na nag-ulat sa Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Consul General Paul Raymund P. Cortes, ibinalita ng attorney general ng Dubai na kinilala sa pangalang Issam Al Humaidan na sinimulan na ang proseso bilang pagsunod sa kautusan ng Sheikh. Kasama rin ang pulisya sa proseso.
Wala pang detalyes kung kailan palalayain ang mga bilanggo. May koordinasyon pa rin sa Consulate General ng Dubai at maging sa Embahada sa Abu Dhabi upang alamin kung mayroon pang ibang mga bilanggong napiit ang napatawad na rin.
1 2 3 4 5 6