|
||||||||
|
||
咱(zán)们(men)把(bǎ)手(shou)机(jī)关(guān)了(le)吧(ba) 多(duō)漂(piào)亮(liang)的(de)脸(liǎn)谱(pǔ)
20150724Aralin63Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Sa karamihan ng mga teatro, ang mga tao ay pinakikiusapan na magsara ng kanilang mobile phones.
"Isara natin ang ating mga cellphone."
咱(zán)们(men)把(bǎ)手(shou)机(jī)关(guān)了(le)吧(ba).
咱(zán)们(men), tayo o natin.
把(bǎ), pang-ukol na sinusundan ng tumatanggap ng aksyon.
手(shou)机(jī), mobile phone.
关(guān), sarhan o patayin.
了(le), katagang nagpapahiwatig ng kaganapan ng aksyon.
吧(ba), katagang panghiling.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 演(yǎn)出(chū)就(jiù)要(yào)开(kāi)始(shǐ)了(le)。咱(zán)们(men)把(bǎ)手(shou)机(jī)关(guān)了(le)吧(ba)。Magsisimula na ang palabas. "Isara natin ang ating mga cellphone."
B: 好(hǎo)的(de)。Okey, sige.
Ang pagpipinta ng mukha ay gumaganap ng mahalagang papel sa Peking Opera; ito ay ginagamit na paraan ng pagpapakilala ng karakter.
Ang wikang Tsino para sa "Walang kasingganda ang mga maskara ng Peking Opera!" ay:
多(duō)漂(piào)亮(liang)的(de)脸(liǎn)谱(pǔ)!
多(duō), katagang pang-abay at nagpapahiwatig ng mataas na digri.
漂(piào)亮(liang), maganda. 的(de), katagang kasunod ng pang-uri; 漂(piào)亮(liang)的(de), maganda.
脸(liǎn)谱(pǔ), uri ng make-up sa mukha sa Peking Opera.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 多(duō)漂亮(piàoliang)的(de)脸谱(liǎnpǔ)!Walang kasing-ganda ang mga maskara ng Peking Opera!
B: 太(tài)棒(bàng)了(le)!Pantastiko!
Mga Tip ng Kulturang Tsino
Ang Peking Opera ay isang pambansang yamang pangkultura na may mahabang kasaysayan at malalim na saligang kultural. Sa Tsina, mayroong mahigit 300 uri ng tradisyonal na opera pero masasabing ang Peking Opera ang pinakakilala at pinakaimpluwensiyal. Mayroong apat na uri ng tauhan: ang 生(shēng) o tauhang lalaki, ang 旦(dàn) o tauhang babae, ang 净(jìng) o painted-face role at ang 丑(chǒu), o comic role. Sa ilalim ng bawat tipong ito ay maraming sangay. Ang pinta sa mukha sa Peking Opera ay isang walang-katulad na pamamaraan ng paglalagay ng make-up. Ayon sa iba't ibang personalidad at papel, iba't ibang kulay ang ginagamit para pintahan ang mukha ng mga aktor. Halimbawa, ang pulang make-up sa mukha ay nagpapahiwatig ng katapatan at katapangan; ang itim ay nangangahulugan ng may mainit na damdamin, pagiging mapagkakatiwalaan at pagiging matapang; ang dilaw ay nangangahulugan ng kalupitan; at ang asul o berde ay ginagamit naman sa mga tauhang may mainiting-ulo at doon sa mga prangko't prangka.
At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |