|
||||||||
|
||
Ginang Korina Sanchez-Roxas, handa sa mga batikos
HANDA na umano siyang humarap sa mga batikos ng mga mamamayan. Ito ang sinabi ng TV broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas matapos hirangin ni Pangulong Aquino ang kanyang esposo bilang presidential standard-bearer ng Partido Liberal.
Matagal na umano siyang binabatikos kaya't "Bring it on!" ang kanyang mensahe. Sinabi na umano siya ng kanyang mister na kung hindi totoo ang mga batikos, hindi didikit iyon sapagkat mayroong "Teflon effect."
Kung papansinin umano ang lahat ng batikos, hindi na siya makakakilos pa. Ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag matapos ang okasyon sa Club Filipino.
Magugunitang sa pook ding ito sinabi ni G. Roxas na aatras na siya upang bigyang puwang si Senador Aquino na tumakbo sa panguluhan. Ani Korina, pareho umano silang sanay sa paglilingkod sa taongbayan. Sa nakalipas na 30 taon tumulong na siya sa mahihirap sapagkat iyon ang kanyang nalamang misyon sa buhay, dagdag pa ni Gng. Roxas.
Ang pagtakbo ni G. Roxas sa panguluhan ay mangangahulugan din ng sakripisyo sa kanyang trabaho sa media malaki rin ang aktwal na sebisyo publiko. Handa umano siyang magsakripisyo at iiwanan niya ang lahat para sa kanyang mister.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |