CBCP Nassa at Archdiocese of San Jose de Antique, nanawagang ipasara ng tuluyan ang Semirara
NAGSAMA ang dalawang tanggapan sa Simbahang Katolika sa panawagang ipasara na ang Semirara Coal Mines at pagbawalan na ang pagmimina sa buong lalawigan ng Antique.
Ito ang mga katagang nagmula sa Archdiocese of San Jose de Antique Social Action Centerat National Secretariat of Social Action/ Caritas Philippines matapos masawi ang siyam na minero matapos matabunan ng gumuhong uling.
Ginamit nila sa kanilang pahayag ang mga pag-aaral na nagpakita kung paano nasira ng Semirara coal mining activities ang higit sa 83 ektaryang mangrove areas at higit sa dalawang kilometrong batuhan sa karagatan mula noong 2009 hanggang 2014. Nalason din ang mga pinangingisdaan bahagi ng karagatan ng Antique, Romblon, Mindoro at Palawan.
Matatagpuan sa Semirara ang 7.5 mula sa 7.8 milyong metriko tonelada ng uling na namimina sa Pilipinas. Nababahala umano ang iba't ibang grupo sa kontrata nito na tatagal hanggang 2027 at paglaki ng pook mula sa 5,500 ektarya hanggang sa marating ang lawak na 12,700 ektarya.
1 2 3 4 5 6