Nauunawaan ni Senador Escudero ang desisyon ni Pangulong Aquino
NAUUNAWAAN at iginagalang ni Senador Francis Escudero ang desisyon ni Pangulong Aquino na suportahan ang kandidatura ni Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II sa darating na halalan sa 2016.
Sinabi ng kaalyado ni Senador Grace Poe na nahirapan si Pangulong Aquino sa desisyon at bilang kaibigan, nauunawaan niya ang prosesong ginawa ng pangulo.
Ilang ulit nagpulong sina Senador Grace Poe, Senador Escudero at Pangulong Aquino sa nakalipas na dalawang buwan upang talakayin ang napipintong halalan.
1 2 3 4 5 6