Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Interior Secretary Roxas, hinirang ni Pangulong Aquino bilang kahalili

(GMT+08:00) 2015-07-31 18:14:06       CRI

Secretary Roxas, kailangang makiusap sa mga kasama sa koalisyon

KAILANGANG kausapin ni Secretary Manuel Araneta Roxas II ang mga kaalyado sa administrasyon upang matulungan siya sa 2016. Ito ang sinabi ni House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. matapos ang paghirang ni Pangulong Aquino sa Secretary of Interior and Local Government para sa susunod na halalan.

Kung siya umano ang nasa kalagayan ni Secretary Roxas, pakikiusapan na niya ang mga tapat na kasapi ng koalisyon at hihilingang makasama ng buong kampanya.

Dapat magkusa si Secretary Roxas na habulin ang mga kasama sa koalisyon. Kung hihingi ng tulong si G. Roxas sa kanya, tutulungan umano ni Speaker Belmonte ang hinirang ni Pangulong Aquino.

Ang koalisyon ay binubuo ng Liberal Party, Nacionalista Party, Nationalist People's Coalition at Akbayan Partylist group. Kakalahati lamang sa may 120 kasapi ng Liberal Party mula sa Kongreso ang nakadalo sapagkat nasa kani-kanilang distrito ang mga mambabatas.

Ipinaliwanag pa ni Speaker Belmonte na hindi na kailangan pa ang pagkakaroon ng loyalty check sa mga kabilang sa partido at iba pang kabilang sa koalisyon sapagkat hahayaan na niya si Secretary Roxas na magpatakbo ng kanyang sariling kampanya.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>