Dating chairman ng Sycip, Gorres, Velayo & Co., mamumuno sa NAMFREL
HINIRANG si David Balangue, dating chairman ng Sycip, Gorres, Velayo & Co. bilang pinuno ng National Citizens' Movement for Free Elections (NAMFREL) matapos ang ginawang halalan.
Naging chair ng SGV si Balangue mula 2004 hanggang 2010 at siyang papalit kay Corazon dela Paz. Naglingkod na siya bilang NAMFREL vice chairman mula noong 2010.
Sa isang pahayag mula sa NAMFREL, sinabing dala ni Balangue ang malawak na karanasan sa management, finance, governance at corporate social responsibility. Siya rin ang chairman ng Coalition against Corruption, isang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer at miyembro ng board of trustees ng Habitat for Humanity Foundation.
Siya ang mamumuno sa samahan sa darating na 2016 national elections.
Noong nakalipas na halalan noong 2010, natuon ang pansin ng NAMFREL sa poll watching, voters' education, electoral reform, campaign finance, logistics tracking at random manual audit.
1 2 3 4 5 6