Sabi ni Pangulong Aquino, puwede na siyang magretiro
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na puwede na siyang magretiro sapagkat nasa mabuting kamay na ang kinabukasan ng bansa.
Sa kanyang talumpati para sa kanyang hinirang na si Manuel Araneta Roxas II, sinabi ni G. Aquino na 'di niya inakalang makapagreretiro na siya sa edad na 56. Idinagdag pa niya na karamihan sa mga dumalo sa pagtitipon ay mga kasama na niya sa kanyang pag-upo sa panguluhan.
Magaan umano ang kanyang konsensya na puwede na siyang magretiro at pumapel na dakilang alalay ng lahat. Ito ang bahagi ng kanyang talumpati sa pananghaliang binuo ng Union of Local Authorities of the Philippines sa Gloria Maris sa Greenhills.
Idinagdag pa ng pangulo na sinimulan lamang ng kanyang administrasyon ang pagbabago at mas malayo ang mararating na hahalili sa kanya.
1 2 3 4 5