|
||||||||
|
||
Supertyphoon na si "Soudelor"
ANG sama ng panahong "Soudelor" na tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility bukas ay isa ng supertyphoon.
Ayon sa PAGASA, ang supertyphoon ay may taglay na lakas ng hanging 210 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 245 kilometro bawat oras.
Kahit pa hindi inaasahang tatama sa lupa ang sama ng panahon, sisidhi ang panahong habagat.
Maaaring itaas ang Signal No. 1 sa pinakahilagang Luzon samantalang kumikilos ang sama ng panahon patungo sa Taiwan. Makikilala sa pangalang "Hanna" sa oras na dumating sa Pilipinas ang bagyo ay tinatayang 1,995 kilometro sa silangan ng Luzon at kumikilos ng 20 kilometro bawat oras patungo sa kanluran hilangang kanluran.
Apektado ng intertropical convergence zone ang Palawan at Mindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |