|
||||||||
|
||
Mga iligal na manggagaawa sa Oman, binigyan ng palugit
NASABIHAN ang Embahada ng Pilipinas sa Muscat na mayroong amnesty program ang pamahalaan ng Sultanate of Oman para sa mga walang papeles. Magtatapos ang palugit upang ayusin ang mga dokumento sa darating na ika-28 ng Oktubre.
Ang amnesty program na nagmula noong nakalipas na Mayo a-tres ay nakatakda sanang magtapos noong ika-31 ng Hulyo. Sa pahayag na ito, nanawagan sa mga iligal na manggagawa ang Embahada ng Pilipinas sa Muscat na ayusin na ang mga papeles upang makaiwas na magmulta.
Ipinagpasalamat ni Philippine Ambassador to Oman narciso T. Castaneda ang balita at nagsabing isang magandang oportunidad ito sa mga walang dokumentong OFW na bumalik na sa Pilipinas ng walang legal action.
Mayroon umanong 7,382 undocumented workers mula sa iba't ibang bansa ang naipatapon na sa ilalim ng amnesty program. Sa bilang na ito, mayroong 162 mga OFW ang naipatapon na kinabibilangan ng may 29 na distressed OFWs na naninirahan sa Filipino Workers Resource Center ng Philippine Overseas Labor Office.
Ang mga interesadong sumailalim sa Amnesty Program ay posibleng tumawag sa POLO-Muscat hotline na 00968-93557931.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |