|
||||||||
|
||
Submarino ng America, dumaong sa Subic Bay kahapon
ISANG Los Angeles-class fast-attack submarine, ang USS Chicago (SS 721) ang dumaong sa Subic Bay kahapon bilang bahagi ng pagpapatrolya nito sa Western Pacific.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Estados Unidos, may tauhan ang submarino na 170 magdaragat. Ang submarine ay nagsasagawa ng iba't ibang misyon upang ipakita ang kakayahan ng kanilang submarine fleet.
Ayon kay Commander Lance Thompson, nakatutuwang makita ang pinagpunyagian ng kanilang mga magdaragat at nararapat lamang na makapagpahinga sa Pilipinas. Umaasa umano ang kanilang mga tauhan na maraming magagawa sa kanilang pagpapahinga.
Ang Chicago ang unang fast-attack submarine na mayroong vertical alunch system kaya't mayroong "constant forward presence" ang submarino para sa madaliang pagkilos o operasyon.
Maraming mga magdaragat ang dadalaw sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Nagmula ang submarino sa Guam.
May haba itong higit sa 360 talampakan at higit sa 7,000 tonelada. Isa ang Chicago sa pinakamodernong submarino sa daigdig. Makasusuporta ang submarino sa intelligence, surveillance, reconnaissance, anti-submarine warfare, anti-surface ship warfare at strike.
Hindi binanggit kung hanggang kailan sila mananatili sa Subic Bay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |