Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Animnapu't Lima: Pag-e-ehersisyo Tuwing Umaga

(GMT+08:00) 2015-08-06 13:43:43       CRI

我(wǒ)们(men)去(qù)散(sàn)散(sàn)步(bù)吧(ba) 我(wǒ)天(tiān)天(tiān)都(dōu)来(lái)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Susunod: Maglakad-lakad tayo.

我(wǒ)们(men)去(qù)散(sàn)散(sàn)步(bù)吧(ba).

我(wǒ)们(men), tayo o natin.

去(qù), pumunta.

散(sàn)步(bù), maglakad-lakad; 散(sàn)散(sàn)步(bù), maglakad-lakad. Sa wikang Tsino, may mga pandiwa na maaaring ulitin upang ipahiwatig na ginagawa ang isang bagay bilang pagrerelaks. Ang pariralang散(sàn)散(sàn)步(bù) ay naaayon dito.

吧(ba), katagang pangmungkahi.

Narito po ang ikatlong usapan:

A: 我们(wǒmen)去(qù)散(sàn)散步(sànbù)吧(ba)。Maglakad-lakad tayo.

B: 好(hǎo)。我(wǒ)喜欢(xǐhuan)散步(sànbù)。Oo ba. Gusto ko nga ang paglalakad-lakad, eh.

Susunod: Nagpupunta ako rito araw-araw.

我(wǒ)天(tiān)天(tiān)都(dōu)来(lái).

我(wǒ), ako.

天(tiān)天(tiān), araw-araw.

都(dōu), lahat.

来(lái), pumarito.

Narito po ang ikaapat na usapan:

A: 大爷(dàyé),您(nín)经常(jīngcháng)晨练(chénliàn)吗(ma)?Madalas po ba kayong mag-ehersisyo sa umaga?

B: 对(duì)。我(wǒ)天天(tiāntiān)都(dōu)来(lái)。Oo. Nagpupunta ako rito araw-araw.

Mga Tip ng Kulturang Tsino

Para sa karamihan ng mga Tsino, ang pag-e-ehersisyo sa umaga ay hindi lamang isang paraan ng pagpapanatili ng mabuting pangangatawan, kundi, isa ring kagawian. Sa umaga, makakakita sa mga parke, maliliit na garden at sa mga community square, ang maraming tao na nag-e-ehersisyo, nagsasayaw, naglalakad-lakad, tumatakbo, kumakanta ng opera, nagsasayaw, nagpapraktis ng espada, naglalakad habang bitbit ang mga hawla ng ibon, at nagta-Taiji. Maski iyong mga travel agency sa Beijing ay nagtataguyod din ng morning exercise tours sa mga parke para sa mga bisita. Ang mga bisitang dayuhan ay nagpupunta sa mga parke, hindi lamang para magliwaliw, kundi, panoorin din ang mga karaniwang mamamayang Tsino habang nag-e-ehersisyo. Gustong maranasan ng mga bisita ang tunay na kulturang Tsino, lalo na ang buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan sa Beijing.

At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>