Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang papel ng mga bansa sa ASEAN kasama ang Tsina

(GMT+08:00) 2015-08-11 17:46:21       CRI

 

Mahalaga ang papel ng mga bansa sa ASEAN kasama ang Tsina

POSIBLENG PANDEMIC SA REHIYON, DAPAT PAGHANDAAN. Ito ang mensahe ni Dr. Holly R. Franz (dulong kaliwa) ng Lawrence Liveromore National Laboratory at Erich Hoffmann ng Defense Threat Reduction Agency at USSTRATCOM Center for Combattic Weapons of Mass Destruction sa isang pulong na sinimulan kanina. (Jhun Dantes)

MAHALAGA ang pagtutulungan ng mga bansa sa timog-silangang Asia at mga bansang tulad ng Tsina. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maiibsan ang mga panganib at pangamba sa dagliang pagkalat ng iba't ibang karamdaman tulad ng Middle East Corona Virus Syndrome o MERSCoV, SARS at Ebola.

Sa isang maikling press conference, sinabi nina Dr. Holly F. Franz, Deputy Director ng Office of Mission Innovation ng Lawrence Livermore National Laboratory at Erich Hoffman, Chief ng Quality Assurance, Stretegy, Plans and operations ng Defense Threat Reduction Agency and USSTRATCOM Center for Combatting Weapons of Mass Destruction, na isang pagsasanay ang sinimulan sa Maynila kanina at magtatagal hanggang sa ika-13 ng Agosto at dinadaluhan ng mga kinatawan ng higit sa 120 delegado mula sa 27 bansa.

Sa "Bio-Preparedness Table Top Exercise Workshop" ng ASEAN Regional Forum, pag-uusapan kung paano makakatugon sa pagkalat ng mga nakakakahawang karamdaman at kung anong mga leksyon ang matututuhan at programang maipatutupad.

Layunin ng pagsasanay na huwag nang kumalat pa ang nakakahawang karamdaman upang mailayo sa panganib ang mga mamamayan. Binanggit nila ang naganap sa Korea sa pagkakaroon ng isang may MERSCoV na nakahawa sa may 186 katao na ikinasawi naman ng may 36 na pasyente.

Ani Dr. Franz, mabuti sa Ninoy Aquino International Airport terminals na may papel na pinalalagdaan sa mga dumarating na pasahero upang mapabatid ang kailangang detalyes, karamdaman, luklukan o upuan sa eroplanong sinakyan. Maganda ang gawaing ito sapagkat sa oras na mabatid na mayroong pasaherong may karamdamang tinataglay, maililigas ang mga nakatabi sa eroplano at iba pang mga taong nakadaupang-palad ng maysakit.

Sa katanungan kung anong magagawa sa mga hangganan na walang kaukulang quaratine facilities o body temperature scanners tulad ng karagatan sa pagitan ng Kota Kinabalu at Tawi-Tawi, makabubuting pag-usapan ng Pilipinas at Malaysia ang bagay na ito upang huwag manganib ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Ito rin ang dapat ikabahala sa pag-itan ng Thailand at Laos.

Ani Dr. Franz, kailangang magkasundo ang magkabilang-panig upang magbahaginan ng impormasyon at mga programa. Mahalaga umanong mabantayan ang mga hangganan sapagkat matinding dagok ng trahedya ang magaganap kung may makapuslit na may taglay na Ebola.

Nakapaghanda na sila ng National Bio-Preparedness Guidelines na nakatuon ang pansin sa komunikasyon sa loob at labas ng rehiyon. Binanggit ni G. Hoffman na malaki ang posibilidad na mayroong magkalat ng karamdaman na makaaapekto sa may 100,000 katao.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>