|
||||||||
|
||
Ibayong pagtutulungan at pag-iingat, kailangan
MAHALAGA ANG PAPEL NG MGA MAGKAKALAPIT-BANSA SA PAGLABAN SA MGA NAKAHAHAWANG KARAMDAMAN. Ito naman ang bahagi ng talumpati ni Foreign Affairs Undersecretary Evan Garcia sa pagbubukas ng tatlong araw na pulong. Nanawagan siya sa mga kalahok na makibahagi ng kanilang kaalaman sa kabutihan ng mga taongbayan. (Jhun Dantes)
SINABI ni Foreign Affairs Undersecretary Evan Garcia na walang hihigit pa sa pagtutulungan ng iba't ibang bansa sa rehiyon upang mapigilan ang posibilidad na magkaroon ng malawakang pagkalat ng mga karamdaman.
Ang paghahanda sa mga karamdamang maaaring makaapekto sa mga mamamayan ay pinag-ibayo sa pagtatapos ng 9-11 o ang madugong terorismong naganap sa Estados Unidos noong ika-11 ng Setyembre 2001. Ang pagkakalat ng karamdaman ay maihahambing sa isang atomic bomb ng mahirap na tao.
Hindi umano matatawaran ang talino ng mga delegado sa tatlong araw na pagtitipon sa Maynila kaya't makatitiyak ang rehiyon na sa mas maraming pagpupulong ng mga kasapi sa ASEAN Regional Forum, mas maraming matutuhan ang bawat isa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |