|
||||||||
|
||
Pangulong Arroyo, pinayagang makadalaw sa burol ng kapatid
PUMAYAG ang Sandiganbayan sa kahilingan ng abogado ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makadalaw sa burol ng kanyang kapatid na si Arturo Macapagal na pumanaw na.
Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Atty. Lawrence Arroyo, abogado ng dating pangulo na naglabas ang Sandiganbayan ng dalawang pahinang resolusyon na sumang-ayon sa kanilang kahilingan upang makadalo sa buroil mula ika-apat ng hapon hanggang ikawalo ng gabi.
Kanina, hindiling ni Gng. Arroyo na payagan siyang makadalo sa Misa sa Heritage Park sa Taguig City sa ganap na ikalawa ng hapon at manatili hanggang ika-sampu ng gabi. Hiniling din ng dating pangulo na payagan siyang makadalo sa libing sa Sabado subalit maglalabas ng hiwalay na desisyon sa kahilingang ito.
Si Gng. Arroyo ang gagastos sa kanyang paglalakbay. Idinagdag ng Sandiganbayan na ang media interviews at electronic devices ay hindi papayagan sa pananatili niya sa labas ng Veterans Memorial Medical Center.
Inatasan din ng Sandiganbayan ang Philippine National Police na magbigay ng seguridad sa dating pangulo.
Pumanaw si Arturo Macapagal kaninang alas seis kwarenta ng umaga sa Makati Medical Center matapos ang pakikipaglaban sa State 4 Prostate Cancer.
Nabigyan na ng pahintulot ng Sandiganbayan ng limang oras na forlough ang dating pangulo kahapon upang madalaw ang kanyang may karamdamang kapatid.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |