|
||||||||
|
||
APEC Senior Officials Meeting, gagawin sa Cebu
ABALA na naman ang mga taga-Cebu City, ang tinaguriang "Queeon City of the South" para sa Third Senior Officials Meeting and Related Meetings mula sa ika-22 ng Agosto hanggang ika-anim ng Setyembre. Ang mga delegado mula sa 21 kasaping APEC-member economies ang makararanas ng malawakang pagdiriwang sa maunlad na bahagi ng Gitnang Kabisayaan.
Ang SOM 3 ang isa sa pinakamataong pagpupulong ang magsasama-sama ng iba;t ibang APEC Working Grpoppups, Sub-for a and Committees upang ipagpatuloy ang mga talakayan sa kalakal at investment liberalization, business facilitation at economic cooperation sa loob ng Asia-Pacific Region.
Ang palatuntunan ay magtatapos sa pamamagitan ng Senior Officials' Meeting sa ika-lima at ika-anim ng Setyembre na dadaluhan ng vice ministers at directors general na magtatampok ng mga hakbang na gagawin upang mapayabong ang pagtutulungan.
Ang pulong sa Ceby ang kasunod ng matagumpany na Senior Officials' Meeting and Related Meetings at Ministers Responsible for Trade na idinaos sa Boracay noong Mayo.
Kasunod ng SOM ang dalawang ministerial-level meetings, ang Structural rEform Ministerial Meeting sa ika-pito at ika-walo ng Setyembre na pangangasiwaan nbg National Economic Development Authority at ang Finance Ministers Meetings sa ika-siyam hanggang sa ika-11 ng Setyembre na pamumunuan ng Department of Finance.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |