|
||||||||
|
||
Exports ng Pilipinas, laglag na naman
BUMAGSAK na naman ang exports ng Pilipinas sa loob ng tatlong sunod-sunod na buwan kahit pa nakabawi ang electronics sector noong Hunyo ng taong ito.
Ito ang malungkot na balita ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio M. Balisacan dahil sa mahinang pamimili ng mga karaniwang pinagdadalhan ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Problemado pa rin ang merchandise exports sector. Mabuway pa umano ang pandaigdigang pamilihan, dagdag pa ni Kalihim Balisacan.
Bumaba ang merchandise exports ng 3.3% noong Hunyo 2015 sa paghahambing sa naipagbili noong nakalipas na taon dahil mababa rin ang benta sa agro-based at mineral products. Ang halaga ng exports noong Hunyo ay bumaba mula US$ 5.5 bilyon noong 2014 at natamo ang halagang US$ 5.3 bilyon.
Karamihan umano ng mga malalaking ekonomiyasa Silangan at Southeast Asia ang nagtamo ng negative export performace noong Hunyo ng 2015. Tanging Vietnam at Tsina lamang ang mayroong positibong kalakalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |