Tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, nagbitiw
NAGBITIW na sa kanyang puwesto si Col. Eduardo B. Gubat, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command matapos mariing itanggi ng United Nations special rapporteur ang balita hinggil sa hamletting sa mga kagubatan. Ang katagang ginamit nagsabing ginigipit ang mga katutubo ay ayon sa kaninang pagsusuri at hindi ng United Nations Special Rapporteur na si Cheloka Beyani.
Humihingi nga siya ng pag-unawa sa kanyang nagawa at sa anumang naganap matapos ang pahayag noong ika-pito ng Abril.
Pumasa naman kay Lt. General Aurelio B. Baladad, ang kumander ng AFP Eastern Mindanao Command, ang kanyang pagbibitiw bilang tagapagsalita ng AFP Eastern Mindanao Command.
Bagaman, nanindigan pa rin si Col. Gubat ng lehitimo ang kanyang pahayag tungkol sa internally displaced persons.
1 2 3 4 5 6