|
||||||||
|
||
Extension ng Bisa ng Pasaporte, niliwanag ng DFA
MAGAGAMIT ng mga Pilipino ang extension para sa kanilang mga pasaporte ng hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit sa dalawang taon ayon sa kanilang kahilingan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ang extension ay maibibigay ng walang bayad, 'di tulad ng renewal.
Ang mga aplikante na hihiling ng passport extension ay pinaalalahanan na kunin na nila ang kanilang renewed passports sa loob ng anim na buwan mula sa original date of release.
Ang mga pasaporte na hindi makukuha sa takdang panahon ay ibabasura na ayon sa kautusan ng pamahalaan at DFA. Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng kanilang extended passports sa paglabas ng kanilang bagong pasaporte.
Ang mga nagnanais magtanong ay makatatawag sa DFA – Office of Consular Affairs o sa pinakamalapit na Regional Consular Office, mga tanggapan sa iba't ibang shopping malls o mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa kanilang mga pook.
Puede rin silang gumamit ng electronic mail sa pamamagitan ng passportconcerns@dfa.gov.ph
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |