Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kakaibang pahayag ng Armed Forces of the Philippines, ikinabahala

(GMT+08:00) 2015-08-13 18:00:52       CRI

Dating Pangulong Arroyo, pinayagang dumalo sa libing ng kapatid

PINAYAGAN ng Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumalo sa libing ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arturo Macapagal subalit tumangging payagan siyang makadalo sa pa-siyam.

Sa resolusyong nagmula sa First Division kanina, pinayagan si Gng. Arroyo na makadalo sa lamay ngayong Huwebes na nagmula kaninang ika-apat ng hapon hanggang ikawalo ng gabi at sa Misa at libing sa Heritage Park sa Taguig sa Sabado, ika-15 ng Agosto mula alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Tumanggi ang hukuman sa kanyang kahilingang makadalo sa pa-siyam sa darating na ika-19 ng Agosto mula ikalima ng hapon hanggang sa ikawalo ng gabi sa tahanan ng kanyang kapatid sa Pasig City.

Kailangang umalis si Gng. Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center mga dalawang oras ng mas maaga atmakabalik kaagad matapos ang lamay at libing.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>