|
||||||||
|
||
Senado, nagsimulang talakayin ang panukalang budget
KAHAPON sinimulan ng Senado ng PIlipinas ang kanilang talakayan hinggil sa panukalang budget para sa 2016. Ayon kay Senate President Franklin M. Drilon, higit sa P 3 trilyon ang panukalang budget at mas mataas ng 15% kaysa budget ng taong 2015.
Higit sa P 67 bilyon ang nakalaan para sa dagdag na sahod at benepisyo ng mga kawani ng pamahalaan na magkakabisa sa unang araw ng Enro 2016.
Ipinaliwanag niyang sa oras na maipadala ng Malacanang ang panukalang Salary Standardization Law IV, pagpasa ng budget, magkakaroon ng higit sa P 50 bilyon ang ilalaaan para sa salary adjustment samantalang mayroong P 17 bilyon para sa merit increase ng mga kawani ng pamahalaan.
Nananatiling pinakamalaki ang budget ng Department of Education sa pagkakaroon ng higit sa P 435.9 bilyon para sa mga silid-aralan, mga aklat, mga bagong guro at scholarship para sa high school students na nagkakahalaga ng P 21.2 bilyon.
Tiniyak ni Senador Drilon na diretso sa tao ang mga benepisyong nakalaan sa panukalang budget.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |