|
||||||||
|
||
Senador Miriam Defensor-Santiago, kumandidato rin sa pagka-pangulo
WALANG atrasan si Senador Miriam Defensor-Santiago sa pagkandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections sa kanyang pagpsusumite ng certificate of candidacy sa huling araw ng pagpapatala sa Commission on Elections sa Intramuros, Maynila kanina.
Nagparamdam siya sa social media ng kanyang layuning tumakbo at binanggit na niya ng tuwiran sa paglagda sa kanyang aklat noong Lunes. Magugunitang iniwan niya ang puwesto sa pagiging hukom sa International Criminal Court at nasa ilalim ng medical leave sa Senado dahilan sa kanyang Stage 4 lung cancer.
Sinabi niyang gumaling na siya at higit na gaganda ang Pilipinas kung siya ang magiging pangulo sa mga susunod na panahon.
Binanggit na niya kahapon na si Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang kanyang kasama sa ticket bilang vice presidential candidate.
Unang kumandidato sa pagka-pangulo si Senador Santiago noong 1992 subalit natalo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at lumahok din sa panguluhan noong 1998.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |