|
||||||||
|
||
Bagyong "Lando" magdudulot na mga pagbaha at pagguho ng lupa
NAGBABALA ang accuweather.com na magkakaroon ng mapapanganib ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga susunod na araw dala ng sama ng panahong si "Lando" o "Koppu" sa Luzon.
Ibinalita na ng PAGASA na posibleng tumama si "Lando" bukas ng gabi o sa Linggo ng madaling araw at inaasahang higit na lalakas pa.
Idinagdag ng accuweather na tiyak na ang pagtama sa lupa ng bagyo subalit hindi matantsa kung gaano ito kabilis kumilos pahilaga na siyang magiging basehan kung gaano kalubha ang pinsalang maidudulot nito sa hilagang Luzon. Samantalang ikinababahala ang mapaminsalang hangin, ang pinakapanganib ay ang mga pagbaha sa matagalang pag-ulan.
Ayon sa accuweather.com magdadala si "Lando" ng 12 hanggang 24 na pulgadang ulan at inaasahang magiging malawak ang masasakop nito. Karamihan ng ulang ibubuhos ay madarama sa mga kabundukan.
Inaasahan na rin ang manaka-naka hanggang sa malakas na ulan mula bukas sa paglapit ni "Lando" sa Metro Manila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |