Boxing champ Manny Pacquiao, kumandidato rin
NAGTUNGO sa Commission on Elections kanina si Saranggani Congressman at boxing champion Manny Pacquiao at inihain ang kanyang certificate of candidacy.
Sinamahan siya ng kanyang maybahay na si Jinkee at isa sa kanilang mga anak. Sumama rin si dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson. Sinalubong sila ng maraming mga tagasunod sa labas ng Palacio del Gobernador na kinalalagyan ng tanggapan ng Commission on Elections.
Ayon sa boksingero, siya ang magiging kampeon ng mahihirap sa Senado. Na sa ilalim siya ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar C. Binay. Dumating siya sa Comelec mga pasado alas onse ng tanghali at sinabayan ng kanyang mga tagasunod na kinabilangan ng isang impersonator na nagpapakilalang si "Manny Paksiw."
Sa kanyang pahayag, sinabi niyang isusulong niya ang mga programang magpapalakas sa mahihirap upang magkaroon ng mas magandang buhay. Siya rin ang magiging mga kamao ng mahihirap sa Senado. Nais niyang magkaroon ng libreng pag-aaral hanggang kolehiyo at magkaroon ng mas epektibong proteksyon ang mga manggagawang nasa ibang bansa.
1 2 3 4 5 6 7