Attorney Persida Acosta, umaasang mababayaran na ang pinsala
NAGPAPASALAMAT si Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta sa Diyos at sa lahat ng tumulong sa kanilang pagtataglay ng lakas na isulong ang usapin laban sa Sulpicio Lines, ang may-ari ng MV Princess of the Stars na lumubog noong ika-21 ng Hunyo 2008 sa Romblon.
Sa isang panayam, nagpasalamat din siya kay Judge Daniel C. Villanueva ng RTC Branch 49 ng Maynila sa desisyong nilagdaan noong ika-18 ng Setyembre. Pumabor ang hukom sa panig ng mga naulila at nakaligtas sa trahedya sapagkat walang naitampok na ebidensya ang kumpanya ng barko sa pitong taong paglilitis.
Makarating man sa Korte Suprema, naniniwala si Atty. Acosta na magwawagi ang mga biktima. Napapanahon na ring mabayaran ang pinsalang nagkakahala ng P 241 milyon upang mapakinabangan na ng mga naulila at nakaligtas sa trahedya.
May nauna ng mga usaping nagwagi ang mga biktima tulad ng mga sinamampalad sa MV Dona Marilyn at sa usaping nagmula kay Judge Manuela Lorenzo ng Manila RTC, isang dating clerk of court sa Quezon City RTC, sa pagkasawi ng kanyang mister na si Engr. Maximo Lorenzo. Nakarating ang usapin sa Korte Suprema at nabayaran ang pamilya ng may P 13 milyon.
1 2 3 4 5 6 7