Smuggling, tumindi pa
KINONDENA ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang naganap na pagpupuslit ng mga panindang pangsakahan na umabot sa halagang P 182 bilyon mula noong 2010 hanggang 2014.
Halos nadoble umano ang kontrabandong naipuslit mula 2005 hanggang 2009 na nagkahalaga lamang ng P 95 bilyon.
Ayon kay Chairman Rosendo So na nawalan ang pamahalaan ng may P60 hanggang 80 bilyon sa pag-aangkat ng bigas, baboy, asukal, manok, sibuyas, carrots at bawang sapagkat ang taripa ng mga ito ay itinakda sa 30 haggang 40%.
Ang pagtaas ng halaga at bilang ng mga ipinuslit ang mananatiling record ni Pangulong Benigno Aquino sa sektor ng pagsasaka. Pinaalalahanan na umano nila si Pangulong Aquino sa "daang madumi" sa smuggling ng mga produktong pangsakahan.
Matapos umano ang limang taon at apat na pagpapalit ng commissioner sa Bureau of Customs, walang duda na walang mabuting naganap sa sektor ng pagsasaka.
1 2 3 4 5 6 7