Plan International may programa para sa mga tatamaan ni "Lando"
HANDA na ang Plan International sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa mga pook na dadaanan ng sama ng panahon mula bukas hanggang Linggo.
Pumasok na ang sama ng panahong may international name na "Koppu" na sinasabing dadaan sa Aurora at Isabela.
Sinabi ni Dennis O'Brien, country director ng Plan International Philippines na nagbabantay sila at nanawagan sa madla na ingatan ang mga bata. Handa rin umano silang makipagtulungan sa pamahalaan at lahat ng ahensya sa oras na kailanganin ang kanilang tulong. May koordinasyon na rin sila sa Emergency Response and Preparedness sa pamamagitan ng kanilang Humanitarian Country Team.
Idinagdag pa ni G. O'Brien na prayoridad nila ang paglalaan ng malinis na tubig na maiinom, tamang kalinisan at pagkakaroon ng hygiene kits.
Batid ng lahat na ang Pilipinas ang isa sa pinakapaboritong daanan ng sama ng panahon sa daigdig na kinatatagpuan ng mga 20 bagyo sa bawat taon.
1 2 3 4 5 6 7