|
||||||||
|
||
Problema ng Commission on Elections kung paano aalisin ang pangalan ni G. Seneres sa balota
PAG-AARALAN ng Commission on Elections kung paano nila maaalis ang pangalan ng mambabatas na si G. Roy V. Seneres na pumanaw kaninang umaga sa edad na 68. Nakasabay ang kanyang pagpanaw sa paglilimbag ng mga balota.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na pinag-aaralan nila ang proseso kung paano maaalis ang pangalan ng namayapang kandidato sa balota.
Nais nilang linisin na ang balota at tanggalin na ang mga pangalan ng mga na-disqualify at ngayong pumanaw na si G. Seneres, aalisin na nila ang kanyang pangalan bilang paggalang sa kanyang gunita.
Nakasama ang pangalan ni G. Seneres sa talaan ng mga kandidato sa panguluhan subalit umatras siya noong nakalipas na Biyernes dahilan sa kanyang kalusugan.
Hindi tinanggap ng Comelec Law Department ang pag-atras ni G. Seneres sapagkat dinala lamang ito ng kanyang kinatawan. Ayon sa Section 73 ng Omnibus Election Code, ang taong nagdala ng kanyang certificate of candidacy bago maganap ang halalan ay kailangang magsumiti ng withdrawal sa tanggapan ng isang sinumpaang salaysay o liham.
Ang namayapang mambabatas ay mula sa OFW Family Club party-list.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |