Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mindanao peace process at mga pulis, kapwa isinugal ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2016-02-09 17:51:43       CRI

EdSA People Power 1, wala ng kabuhan

NANINIWALA si Senador Juan Ponce Enrile na wala ng kabuluhan ang pagdiriwang ng EdSA People Power 1 sapagkat sa takdang petsa pa lamang ay mali na.

Ito ang kanyang sinabi sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kanina. Ipinaliwanag ni Senador Enrile na ang pagdiriwang ng bansa sa bawat ika-25 ng Pebrero ay hindi naa-angkop sapagkat payapa na ang bansa noong araw na iyon noong 1986.

Ani G. Enrile, ang tamang petsa ay ika-22 ng Pebrero nang tumiwalag sila sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos kasabay si dating AFP Vice Chief of Staff at noo'y pinuno ng Philippine Constabulary at Integrated National Police.

Sinabi ni G. Enrile na tinawagan niya noon si US Ambassador Stephen Bosworth at sinabihang titiwalag na sila sa pamahalaan at sinagot siya na walang maaasahang anumang tulong sa kanyang pamahalaan sapagkat nangangamba ang opisyal na Americano na sisiklab ang kaguluhan.

Niliwanag naman umano niyang wala silang anumang hinihingi sa Estados Unidos. Tinawagan din umano niya ang Japanese Ambassador to the Philippines Kiyoshi Sumiya sapagkat ang Japan ay isang malaking trading partner ng Pilipinas.

Binanggit din ni Senador Enrile na bumili siya ng mga Uzi automatic pistols at iba pang sandata mula sa Israel sa pamamagitan ng Israeli ambassador sa Pilipinas ng walang nakababatid. Sariling salapi umano ang kanyang ginamit upang ipagtanggol ang kanyang sarili at mga kasamang opisyal ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabasan na pinamunuan ni Col. Gregorio "Gringo" Honasan.

Wala umano siyang pagsisisi na pinamunuan niya ang EdSA People Power 1 kasama si naging pangulong Fidel V. Ramos sapagkat mas makabubuti na ang pagkapatid ng tanikalang gumapos sa lipunang Pilipino.

Naglunsad umano ang kanyang grupo ng mga pag-aaklas noong panahon ni Pangulog Corazon C. Aquino sapagkat nakita nila ang kakulangan ng liderato noon. Tapos na umano ang isyu ni Nur Misuari kaya nga lamang ay napagwagian si Pangulong Aquino na makabubuting kausapin ang pinuno ng Moro National Liberation Front samantalang nananahimik na noon sa Saudi Arabia. Kinilala niya ang mga nagpauwi kay Misuari na sina Bert Gonzales na naging Defense Secretary at Presidential Security Adviser, dating DILG Secretary at naging Senador Aquilino Q. Pimentel, Jr. at naging Senador Butz Aquino.

Nabahala rin umano ang kanilang grupo ng palayain ni Pangulong Corazon Aquino ang mga lider ng mga komunista na natagalan nilang madakip.

Idinagdag pa ni Senador Enrile, sumakay lamang ang mga Americano sa tagumpay ng EdSA People Power 1 ng walang anumang taya. Ninais ng mga Americano na magkaroon ng pangulong sunud-sunuran sa kanilang mga programa, dagdag pa ni Senador Enrile.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>