|
||||||||
|
||
EdSA, nalilimutan na ng mga kabataan
ISANG makasaysaytang pangyayari ang EdSA People Power 1 subalit nawawala na ito sa kaalaman ng mga kabataan. Ito ang sinabi ni Philippine Normal University Vice President Feliece Yeban sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat.
Ani Bb. Yeban, mahalagang ituro sa mga kabataan ang kahalagahan nito upang higit nilang pahalagahan ang mga ginawa ng mga namuno sa payapang pag-aaklas na ito.
Mahalaga ang papel ng edukasyon upang manatili sa diwa at isip ng mga Filipino ang makasaysayang pangyayaring ito may 30 taon na ang nakalilipas. Kailangang mabuhay na muli at magkaroon ng re-invention upang mabigyang halaga ang kalayaan.
Sa panig ni Professor Richard Heydarian na nagkaroon din ng halos makakahalintulad na bahagi ng kasaysayan sa Poland, Taiwan at South Korea. Mahalaga ang naging papel ng mga namuno sa EdSA People Power 1, dagdag pa ni Prof. Heydarian.
Para kay Bb. Yeban sinabi niyang mahalaga sa makakahalili ni Pangulong Aquino ang pagkakaroon ng competence, character at commitment upang patuloy na umunlad ang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |