Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mindanao peace process at mga pulis, kapwa isinugal ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2016-02-09 17:51:43       CRI

Ilang bahagi ng Saligang Batas, marahil nararapat ng susugan

MAY ilang mahahalagang probisyon sa Saligang Batas ang nararapat susugan. Ito ang sinabi ni Bishop Teodoro C. Bacani, Jr., isa sa mga may-akda ng 1988 Philippine Constitution.

Sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ng obispo na kabilang sa nararapat susugan ang pagbabawal sa mga banyagang kumpanyang mag-ari at magkalakal sa Pilipinas. Magugunitang hanggang 40% lamang ang nararapat maging pag-aari ng mga banyaga at ang nalalabing 60% ay mananatiling pag-aari ng mga Filipino.

Kailangan ding maging maliwanag sa Saligang Batas kung sino ang tunay na natural-born citizen, dagdag pa ni Bishop Bacani.

Ipinaliwanag ng obispo na noo'y maraming mga Filipinong may sapat na impluensya upang ipagbawal ang pag-aari ng mga banyaga sa mga bahay kalakal. Malakas ang economic nationalism noon subalit dumarami na ang mga liberal ngayon na naniniwalang nararapat pag-usapan kung ano ang makabubuti sa Pilipinas.

Kailangan ding masusugan ang probisyon hinggil sa party-list sapagkat nakita na ng madla kung paano ito inabuso ng mga tradisyunal na politiko sampu na rin ng anti-dynasty provision.

Ipinaliwanag naman ni Senador Enrile na nagmula pa sa panahon ng mga Americano ang kalakaran ng bansa. Hindi umunlad ang bansa sa ganitong sistema. Wala umanong magagawa ang isang pangulo sa loob ng anim na taon. Sa Japan, Singapore, Canada, maaaring manungkulan ang pangulo o prime minister sa loob ng 30 taon. Kailangang suriin ang nagaganap sa Pilipinas sapagkat sa mga bansang mauunlad, tulad ng Tsina, Vietnam, India, New Zealand at Australia na mayroong Pangulo at Prime Minister na nagtutulungan.

Wala umanong kakayahan ang sinumang magiging pangulong mapatakbo ang bansa mula Jolo hanggang Batanes.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>