![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pulis ang pinagmulan ng "dispersal operations"
PAGDINIG SA NAGANAP SA KIDAPAWAN, GINAWA. Nagsasalita si Senador Allan Peter Cayetano (dulong kaliwa) sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa University of Southeastern Philippines sa Davao City kaninang umaga. Naroon din sina Senador Aquilino Pimentel III (gitna) at Senador Teofisto Guingona III. Magugunitang dalawang magsasaka ang nasawi samantalang higit sa 100 ang nasugatan sa madugong dispersal operations noong nakalipas na Biyernes. (Senate PRIB Photo)
TUMANGGI si North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza na siya ang nag-utos sa pulisyang buwagin ang barikada ng mga nagpoprotestang magsasakang humihiling ng pagkain sa Kidapawan City noong nakalipas na Biyernes.
Ito ang sinabi ni Governor Mendoza sa public hearing ng Senate Committee on Human Rights sa Davao City. Nagmula umano ang desisyong linisin ang highway mula sa pulisya.
Dalawang magsasaka ang nasawi at may 100 ang sugatan, na kinabilangan ng mga pulis sa dispersal operations sa Kidapawan City.
Sinabi naman ng pulisya na nagsimula ang gulo sa panig ng magsasaka nang dumating ang pulisya upang iligtas ang mga batang inilagay ng mga magsasaka sa barikada.
Ayon sa mga magsasaka, ginamitan sila ng dahas ng pulisya at gumanti lamang sila.
Humihingi ang mga magsasaka ng tulong matapos mapinsala ng El Niño ang kanilang mga sakahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |