![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ekonomiya, masigla ngayong 2016, ayon sa Makati Business Club
KARAMIHAN ng mga kasapi sa Makati Business Club ang nagsabing maganda ang hinaharap ng Pilipinas ngayong 2016 at mahihigitan ang 5.8% kaunlarang nakamit noong 2015 sa Gross Domestic Product. Umaasa rin silang mahihigitan ang investments na pumasok noong nakalipas na taon.
Sisigla rin ang imports na P 62.6 bilyon at exports na P 54 bilyon noong 2015.
Karamihan sa senior business executives ang umaasang gaganda ang ekonomiya ngayong 2016. May 39% ng mga kasapi ng MBC ang nagsasabi na mapapanatili ang kaunlaran sa GDP ngayong 2016 at may 9% ang nagsabing mas mababa ang makakamtang GDP growth.
May 51% ng mga kasapi ng MBC ang nagsabing mas mataas ang headline inflation ngayong 2016 kay sa average rate noong 2015 na 1.4%. Sinabi naman ng 41% ng kanilang mga kasapi na mananatili ang headline inflation rate ngayong 2016 at may 8% ang nagsabing mas mababa ito ngayong 2016.
Babagsak ang piso sa US dollar ng may 3.75% ayon sa year-end rate noong Disyembre na P47.16 sa bawat US dollar. May 18% ang nagsabing mananatili ang peso-dollar rate ngayong 2016 at may 9% ang nagsabing lalakas ang piso ng may 10% sa taong ito.
Naniniwala ang mga kasapi ng Makati Business Club na kailangang gastusan ng pamahalaan ang mga pagawaing-bayan, tugunan ang katiwalian at peace and order.
Binanggit din ang mga isyu ng kahirapan, pangangailangan ng hanapbuhay, pagsasaka at edukasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |