![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pilipinas, humiwalay na sa America, sabi ni Senador Santiago
SA pagsisimula ng Balikatan 2016, nanawagan si Senador at Presidential candidate Miriam Defensor-Santiago na huwag nang umasa pa sa America para sa pambansang seguridad.
Kailangang talikdan na ng Pilipinas ang pag-asa sa America na mga usaping pangseguridad. Magugunitang isa sa mga pumupuna sa Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Senado si Gng. Santiago.
Tahimik umano ang VFA at EDCA sa lawak ng pangako ng America sa Pilipinas samantalang isyu ang soberensya ng bansa. Hindi rin maliwanag kung saklaw ng Mutual Defense Treaty na nilagdaan noong 1951 ang mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.
Sinabi ni Senador Santiago na sa halip na umasa sa America at magkibit-balikat na lamang sa Tsina, kailangang pag-ibayuhin ng Pilipinas ang surveillance, reconnaissance at intelligence-gathering capabilities upang mabantayan ang mga nagaganap sa karagatan sa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone.
Iminungkahi din niya ang pakikipagtulungan sa mga Tsino upang makamtan ang kapayapaan at katatagan sa karagatan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |