Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Guingona, nababahala sa naganap sa Kidapawan

(GMT+08:00) 2016-04-07 18:40:16       CRI

Senador Enrile inakusahan si Pangulong Aquino sa "three-day presidency"

SENADOR ENRILE, PINUNA SI PANGULONG AQUINO, ATBP. Mabagal kumilos ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Ito ang paglalarawan ni Senador Juan Ponce Enrile sa idinaos na Capitan sa Senado kanina. Mabagal kumilos ang pamahalaan tulad noong nagkaroon ng Mamasapano at noong tumama ang bagyong "Yolanda." (Senate PRIB Photo)

BINANATAN ni Senador Juan Ponce-Enrile si Pangulong Benigno Simeon C. Auqino III ng pagkakaroon ng "three-day presidency" sa bagal ng pagkilos sa mga mahahalagang isyu ng bansa tulad ng naganap sa Kidapawan City, ang sinasabing paglustay ng US$ 81 milyon na nakapasok sa Philippine financial system.

Ginawa ni Senador Enrile ang pahayag sa lingguhang Kapihan sa Senado hinggil sa pagtugon ng Anti-Money Laundering Council sa pinakahuling kababalaghan na sinisiyasat ng Senate blue ribbon committee.

Natutulog ang mga nasa pamahalaan tulad ng tatlong araw sa Mamasapano, sa "Yolanda" at sa naganap sa Kidapawan.

Maaaring naiwasan ang kaguluhan sa Kidapawan kung kumilos kaagad ang pamahalaang pambansa. Kung tunay umanong pangulo si G. Aquino, marahil ay lumipad na siya sa Kidapawan at inalam ang tunay na larawan ng situwasyon.

Sinabi ng mambabatas na nagkaroon din ng kahalintulad na situwasyon noong 1974. Nagkaroon ng kakulangan ng pagkain sa Mindanao at ipinadala niya ang lahat ng mais sa Mindanao, giniling at inihalo sa bigas upang magkaroon ng supply at walang umangal na mamamayan.

Ngayon ay pawang mga usap-usapan at walang kaukulang aksyon, dagdag pa ni Senador Enrile.

 


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>