|
||||||||
|
||
Sa Nanning, Guangxi ng Tsina—Sinimulan dito ngayong araw ang China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Ipinahayag ng mga dalubhasa, iskolar at opisyal ng Tsina at ASEAN na sa pamamagitan ng plataporma ng CAExpo, dapat ibayo pang palalimin ang mutuwal na pamumuhunan ng Tsina at ASEAN, at pasulungin ang malalimang kooperasyon sa pagitan ng kanilang mga bahay-kalakal.
Sinabi ni Ginoong Ky Sereyvath, Iskolar ng Royal Academy of Cambodia na,
"Ang CAExpo ay nagpapatingkad ng napakahalagang papel sa kooperasyong panrehiyon. Una, ang CAExpo ay isang plataporma ng pagtatanghal ng mga produkto, hindi lamang ng Tsina at mga kasaping bansa ng ASEAN, kundi maging ng iba't ibang bansa sa buong mundo. Ika-2, nagkakaloob ang naturang ekspo ng mahalagang pagkakataon para sa pag-unlad ng agrikultura, industriya, at turismo ng Kambodya. Bukod dito, mahalaga rin ang papel ng CAExpo sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan."
Ipinalalagay naman ni Pornchai Tarkulwaranont, Pangalawang Prinsipal ng Thammasat University ng Thailand, na pagkaraan ng 10 taong pag-unlad ng CAExpo, ang lunsod ng Nanning ay nagsilbing bagong gateway ng Tsina na kabisado at kinikilala ng mga mangangalakal mula sa Timog Silangang Asya.
Iminungkahi naman ni Wang Yuzhu, Dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na dapat palakasin ang punsyon ng CAExpo sa aspekto ng kalakalan at pamumuhunan. Aniya,
"Sa simula, hindi isang platapormang komersiyal ang CAExpo. Sa katunayan, naglalayon itong magkaloob ng isang mas mahigpit na plataporma para sa bilateral na relasyon at kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Ang mekanismong ito ay hindi lamang plataporma para sa pagtalakay ng mga isyung pangkabuhayan ng kapuwa panig, kundi maging sa pagpapasulong ng bilateral na relasyong pulitikal at diplomatiko. Sa tingin ko, sa darating na ilang panahon, dapat palakasin ang punsyon ng CAExpo sa aspekto ng kalakalan at pamumuhunan."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |