Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gawad Kalinga tinanggap ang donasyon mula sa CRI Filipino Service at PKU Philippines Studies Program

(GMT+08:00) 2013-12-09 18:13:53       CRI
Ipinagkaloob ng China Radio International (CRI) Serbisyo Filipino nitong nagdaang Biyernes sa Gawad Kalinga (GK) ang donasyong nagkakahalaga ng 18,648 CNY at 30 USD para bigyan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda ng psychosocial support sa pamamgitan ng Department of Psychology ng Ateneo.

Ang donasyon ay nakalap mula sa Charity Bazaar at Dictionary for Charity projects na isinagawa ng Filipino Service ng CRI sa tulong ng PKU Philippine Studies Program.

Sa tanggapan ni Fr. Bienvenido F. Nebres, S.J. dating President ng Ateneo at board member ng GK, sa loob ng Ateneo, inialay ni Jie "Jade" Xian, Director ng CRI Filipino Service, ang donasyong kay Norlie Quesada Corneby, Director ng Gawad Kalinga Ateneo (GKA).

Tumayong saksi sina Fr. Nebres at Xu Zhou, First Secretary ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas.

Naging matagumpay ang Dictionary for Charity sa tulong ng mga Pilipino sa Beijing na interesado sa pag-aaral ng wikang Tsino.

Samantala katuwang naman sa Charity Bazaar ang Liwayway Oishi.

Sa pagkakataong ito, nais iparating ng Filipino Service at PKU ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik at nagpakita ng suporta para makapag-abot ng ayuda para sa mga biktima ni Yolanda.

  

Jie "Jade" Xian habang inaabot kay Norlie Quesada Corneby (sa dulong kaliwa) ang donasyon.

Tumayong saksi sina Fr. Nebres at Secretary Zhou (sa dulong kanan)

(photo credit: Maria Isabel B. Gamboa).

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>