Idinaos nitong Miyerkules, Mayo 25, 2016 sa Vientiane, Laos ang Pulong ng Ministrong Pandepensa ng ASEAN (ADMM). Ang tema ng pulong ay "Pagpapasulong ng Kooperasyong Pandepensa, Pagtatatag ng Masiglang Komunidad ng ASEAN." Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas ng pulong, binigyang-diin nitong mapapahigpit ng ASEAN ang pagtutulungang pandepensa para pasulungin ang kapayapaan at seguridad ng rehiyon.
Pagkaraan ng nasabing pulong, ipinahayag sa isang preskon ni Chansamone Chanyalath, Ministrong Pandepensa ng Laos, bansang tagapangulo ng ASEAN, na pinagtibay sa pulong ang mga dokumento hinggil sa pagbuo ng working group ng mga cyber security expert, pagsapi ng sandatahang lakas ng ASEAN sa makataong tulong, pagtatatag ng Military Medical Centre ng ASEAN at iba pa.
Dagdag pa ni Chansamone Chanyalath, binigyang-diin sa nasabing magkasanib na pahayag na dapat malutas ang mga pagkakaiba ng palagay sa mga isyu ng soberanya at karagatan, sa pamamagitan ng pandaigdigang batas, at hindi dapat isagawa ang anumang unilateral na aksyon.