Sa New York, punong himpilan ng United Nations(UN)-Nag-usap gabi ng Setyembre 18, 2016 sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Jean-Marc Ayrault ng Pransya.
Ipinahayag ni Wang na bilang dalawang pirmihang kinatawan ng UN Security Council(UNSC), nananatiling mainam ang koordinasyon ng Tsina at Pransya sa mga suliraning pandaigdig. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng dalawang panig ang kooperasyon sa kasalukuyang ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN. Umaasa rin aniya ang Tsina na ibayong susulong ang pakikipagtulungan sa Pransya sa larangan ng enerhiyang nuklear, at palalawakin, kasama ng Pransya, ang pakikipagtulungan sa ikatlong panig sa larangang ito.
Ipinahayag naman ni Jean-Marc Ayrault ang pagbati sa tagumpay na natamo ng katatapos na Hangzhou G20 Summit sa Tsina. Nakahanda aniya ang Pransya na pahigpitin ang mataas na pakikipagpalitan sa Tsina, at pakikipagtulungan sa ikatlong panig, para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Pranses sa mas mataas na antas.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea, pagbabago ng klima, isyu ng Sirya, at isyu ng Palestina at Israel.