Nag-usap sa telepono Setyembre 11, 2016 sina Ministrong Panlabas Wang Yi at Ministrong Panlabas Jean-Marc Ayrault ng Pransya.
Ipinahayag ni Ayrault ang pagbati sa tagumpay na natamo ng katatapos na Hangzhou G20 Summit sa Tsina, at sa pag-uusap sa pagitan ng mga Pangulo ng Tsina at Pransya.
Ipinahayag naman ni Wang Yi na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Nang mabanggit ang isyung nuklear sa peninsula ng Korea, ipinahayag ni Ayrault na positibo ang Pransya sa responsable at konstruktibong papel ng Tsina para maisakatuparan ang Peninsula ng Korea na ligtas sa sandatang nuklear. Nakahanda aniya ang Pransya na pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagkoordina sa Tsina sa usaping ito.
Inilahad naman ni Wang ang paninindigan ng Tsina sa nuclear test na isinagawa ng Hilagang korea.