Sa kanyang pakikipagtagpo, Oktubre 16, 2016, sa estadong Goa, India kay State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na narating ng Tsina at Myanmar sa biyahe ni Suu Kyi sa Tsina, noong Agosto, 2016, ang komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong pagtutulungan sa bagong yugto.
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang tutupdin ng Tsina at Myanmar ang naturang komong palagay para pahigpitin ang estratehikong pagpapalitan, at pasulungin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng imprastruktura, agrikultura, edukasyon at iba pa. Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na bilang tradisyonal na mapagkaibigang magkatuwang at kapitbansa, may mahalagang katuturan ang pagpapahigpit ng pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang panig. Nagpapasalamat aniya ang Myanmar sa tulong na ibinibigay ng Tsina, at nakahanda itong pasulungin pa ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y angkop sa pundamental at pangmatagalang interes ng dalawang bansa.