|
||||||||
|
||
你nǐ以yǐ前qián做zuò过guò什shén么me工gōng作zuò? 你nǐ在zài这zhè里lǐ工gōng作zuò多duō长cháng时shí间jiān了le?
20140604Aralin10Day2.mp3
|
Sa normal na pakikipag-usap sa ibang tao, kung minsan naitatanong natin ang "Ano ang dati mong trabaho?" Sa wikang Tsino, ito ay你nǐ以yǐ前qián做zuò过guò什shén么me工gōng作zuò?
你nǐ, ikaw o ka.
以yǐ前qián, noon o dati.
做zuò过guò, ginawa na. 做zuò, gawin. 过guò, salitang kasunod ng isang pandiwa para tumukoy sa pagtatapos ng isang aksyon.
什shén么me, ano.
工gōng作zuò, trabaho.
Narito ang pangalawang usapan:
A:你以前做过什么工作?Ano ang dati mong trabaho?
B:我以前是记者。你呢? Reporter ako noon. Ikaw?
A:我以前是医生。Doktor ako.
Maaring gusto rin ninyong malaman kung gaano na siya katagal nagtatrabaho. Paano sasabihin sa Mandarin ang "Gaano kana katagal nagtatrabaho rito?"
你nǐ在zài这zhè里lǐ工gōng作zuò多duō长cháng时shí间jiān了le?
你nǐ, ikaw o ka.
在zài, sa, salitang tumutukoy sa lokasyon.
这zhè里lǐ, dito.
工gōng作zuò, pandiwa na nangangahulugang magtrabaho.
多duō长cháng, gaano katagal, pariralang nagpapahiwatig ng haba ng panahon.
时shí间jiān, oras o panahon.
多duō长cháng时shí间jiān, gaano katagal.
了le, katagang nagpapahiwatig ng pagtatapos ng isang aksyon.
Narito po ang ikatlong usapan:
A:你在这里工作多长时间了?Gaano kana katagal nagtatrabaho rito?
B:两年了。Dalawang taon na.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |